top of page
Search

CHANNELS HUMAKOT NG 35 PARANGAL

  • RASHELL ANN SACARE
  • Nov 9, 2017
  • 2 min read

“Don’t just read, be read,” ito ang pinatunayan ng mga batang manunulat ng Consolacion National High School Day Class (CNHS DC) sa katatapos lang na Northeast Area Schools Press Conference (NEASPC) 2017.

Ginanap noong ika-6 hanggang ika-8 ng Nobyembre ang NEASPC 2017 na may temang “Embracing ASEAN Integration: Campus Journalists’ Role in Advancing Inclusive Education” sa Borbon, Cebu.


Pagbubukas ng NEASPC

Ang nasabing kompetisyon na nagtagal ng tatlong araw ay pormal na binuksan noong ika-7 ng Nobyembre, 2017 sa pamamagitan ng isang pambungad na programang inihanda ng Borbon.


Ang patimpalak na ito ay ang pinakamataas na kumpetisyong intelektwal para sa pamamahayag sa parehong mga pribado at pampublikong paaralan at mataas na paaralan sa Pilipinas.


“This is a pulling together of the sharpest minds in the Northeastern Cebu,” wika ni Education Program Supervisor in English, Dr. Evelyn F. Balang sa kanyang pambungad na salita sa pagbubukas ng NEASPC ngayong taon.


Ito ay dinaluhan ng walong munisipalidad mula sa Hilagang-silangang bahagi ng Cebu, ang: Carmen, Camotes, Compostela, Consolacion, Cordova, Liloan, Borbon at Danao.


Pagdeklara sa mga nagwagi

Ang kompetisyon ay nagtapos sa pag-anunsyo ng mga nanalo sa iba’t-ibang kategoryang sinalihan ng mga manlalahok.

Nag-uwi ng 35 parangal ang CHANNELS ng CNHS DC mula sa parehong kategoryang pang-indibidwal at grupo.


Sa Ingles ay nasungkit nina Angelic Alivio (10th) at Antonette Tadle (9th) ang panalo sa Editorial Writing; Mary Sharyn Novabos (3rd) at Dandean Bernabe (2nd) sa Feature Writing; Joybelle Harayo (8th) sa Science Writing; Kirk Vincent Montera (3rd) sa Sports Writing; Wendy Peñas (7th) sa Photo Journalism; Mark Bryan Pino (12th) sa Copyreading and Headline Writing; Antonette Tadle (6th) at Dandean Bernabe (3rd) sa News Writing.


Sa Filipino naman ay nagwagi sina Maybelyn Detros (14th) at Melanie Grace Obedencio (1st) sa Pagsulat ng Lathalain; Franz Merthan Sasing (10th) sa Pagguhit ng Kartong Pang-editoryal; Michelle Cosgapa (10th) at Maybelyn Detros (5th) sa Pagsulat ng Balitang Pang-agham; Cracianne Amor Sasing (10th) at James David Grajo (9th) sa Pagkuha ng Larawang Pampahayagan; Rainvelle Joyce Andres (14th) at Elizabeth Alenton (2nd) sa Pagsulat ng Editoryal; Ana Katrina Tiu (5th) at Rashell Ann Sacare (3rd) sa Pagwawasto ng Sipi at Pag-uulo ng Balita; Rainvelle Joyce Andres (1st) at Melanie Grace Obedencio (2nd) sa Pagsulat ng Balita.


Naiuwi din ni Jimmy Ricks Grajo (3rd) ang panalo pa ra sa Basic Lay-outing.


Hindi din nagpahuli ang Radio Broadcasting (English) sapagkat nasungkit nila ikalawang puwesto at ibang minor awards ang Best News Presenter - Alyssa Mae Cruz (3rd), Best Anchors - Neil Adrian Povadora at Cattleya Jane Tereso (2nd), Best Script; Best Infomercial, Best in Technical Application.


Nanalo din ng iba pang mga parangal ang Radio Broadcasting (Filipino) gaya na lamang ng Best News Presenter - Jemina Zoie Lim (1st), Best Anchors - Arnulfo Estenzo at Chrislyn Kate Andagan (3rd), Best Script, Best Infomercial at Best in Technical Application.

Samantala, ang mga magwagi ay dideretso sa Lungsod ng Balamban para sa nalalapit na Division Schools Press Conference (DSPC) ngayong ika-22 hanggang ika-24 ng Nobyembre.



Comentarios


09154171042

Consolacion National High School, National Hwy, Consolacion, 6001 Cebu, Philippines

  • Facebook
  • Instagram

©2017 BY CHANNELS PUBLICATION. PROUDLY CREATED WITH WIX.COM

bottom of page