top of page
Search

Hamon ng bawat Punong-Guro

  • ELIZABETH ALENTON
  • Nov 15, 2017
  • 2 min read

“Isang dakilang punong-guro, bubuo ng pagkatao at pumupukaw ng pangarap”

Katagang sumasalamin sa isang magaling at matibay na punong-guro. Isang mahirap na tungkulin ang kailangang harapin ng isang punong-guro; ang pamunoan at panatilihing maganda ang takbo ng isang paaralan, ang mga pasilidad, mga mag-aaral at mga guro.


Paano kung pabagu-bago ang punong-guro sa isang paaralan, makakaapekto ba ito sa lahat? Magiging masama ba o maganda ang dulot nito?


Ang punong-guro ay siyang namamahala sa isang paaralan; siya rin ang may karapatan at kaakibat nito ang tungkulin sa mga proyektong illulunsad; maaaring siya rin ang may kapanagutan sa anumang problemang haharapin ng paaralan.


Nagkaroon na ng anim na punong-guro ang namamahala ng Consolacion NHS - Day Class. Sa nakaraang dalawang taon, pinamahalaan ito ni G. Raul A. Jumao-as. Maraming pagbabago ang nagaganap kagaya ng pagdadala niya sa mga guro, mga panukalang dapat sundin, at ang kalinisan sa paaralan ay isa sa kanyang programa. Kung may hindi magandang komento ang ating maririnig tungkol sa kanyang pamamahala, alalahanin niyo rin na mas maraming pagbabago ang kanyang nagawa sa paaralan.


Sa ngayon, ang CNHS-DC ay pinamumunuan ni Gng. Aida Melgo. Simula pa lang ng kanyang pagtapak bilang punong-guro, mayroon din siyang ibat-ibang panukala at programang nakapagbibigay kagandahan para lumago at tumibay ang kanyang pinamunoan.

Lumipas man ang maraming taon, tumatak at naging parte na ng buhay ng isang paaralan ang isang punong-gurong namahala at nagpalago ng paaralan, kagaya ng CNHS-DC, kahit pabago-bago man ang punong-guro sa loob ng isang taon o dalawang taon nagdala ito ng iba’t-ibang pagbabago sa sistema ng paaralan. Ang kanilang bukod-tanging mga panukala at programa ay para rin sa ikabubuti ng lahat.


Ang anumang pagbabago na kakaharapin ng isang paaralan katulad ng pabago-bagong punong-guro ay parang siklong nagdudulot ng masama o magandang epekto sa mga mag-aaral at mga gurong sakop nito. Ang tanging paraan ay umangkop at sumunod o yakapin ang mga pagbabagong haharapin.

 
 
 

Comentarios


09154171042

Consolacion National High School, National Hwy, Consolacion, 6001 Cebu, Philippines

  • Facebook
  • Instagram

©2017 BY CHANNELS PUBLICATION. PROUDLY CREATED WITH WIX.COM

bottom of page